Noong panahon ng espanyol, ang ating mga kababayang pilipino, pati narin ang ating mga bayani, ay ginagawa ang lahat upang mailigtas at mailaya ang ating munting ibong ikinulong sa kanilang mga kamay. Ngunit may isang bayaning nakaisip ng napakagandang paraan. Ginamit niya ang kanyang pluma at kaisipan sa paglaban. Sumulat sya ng mga tulang sumisira sa reputasyon ng mga Espanyol. Ngunit ang kanyang mga gawa ang nadiskubre ng mga Espanyol. Siya ay itinapon at tinapos ang kanyang buhay.
Ngunit hindi dito nagtapos ang lahat. Lumaban ang mga natirang bayani. at nagtagumpay. Hanggang ngayon ang sikreto ay nakatanim sa kanilang mga puso. Sa puso ng ating mga bayani. Ang katangitanging sekretong ito ay ang paggamit ng wikang Filipino.
Ating isiping mabuti. Kung linguaheng Espanyol ang kanilang ginamit, hindi ba malalaman ng mga Espanyol ang kanilang plano?
Sa lahat ng mga laban, at mga paghihirap na kanilang nakaharap, wikang FILIPINO ang kanilang natatanging sekretong mga Pilipino lamang ang nakakaalam.
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook