"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda".
Ngayong Agosto, ang bawat paaralan ay nagdiriwang ng "Buwan ng Wika". Ngunit marami paring nagsasalita sa kanilang sariling linguahe lalo na sa paaralan. Maraming nagsasalita ng Cebuano. Ngunit nung inisip kong mabuti kung bakit ganito ang nangyayari, naisip ko na ang Cebuano naman ang sarili nilang wika. Baka sinusunod lamang nila ang sinabi ni Dr. Jose P. Rizal.
Ngunit ngayong buwan na ito, tayo'y hinihikayat na mahalin at gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagusap sa kapwa natin istudyante, mga guro at sa lahat ng taong makakausap natin. Dahil ang Wikang Filipino ay ang pangunahing linguahe ng mga pinoy.
Dapat nating mahalin ang wikang Filipino dahil ito ay ang ginamit ng ating mga bayani upang mailahad ang kanilang mga damdamin sa paraang hindi malalaman ng mga Espanyol, Intsik, Chino at mga Amerikano. Kaya hinihikayat ko kayo, aking mga kamag-aral, kaibigan at mga kababayan, kung maaari ay gamitin natin ang ating wika. Ang wikang Filipino
Kalimutan muna natin at ipagsangtabi ang wikang Cebuano at Ingles at umpisahang makipagugnayan sa isa't-isa sa sarili nating wika; Ang Wikang Filipino.
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook
1 komento:
keep it up dwight mganda ang una mong article...
keep it up... good luck..!!!
Mag-post ng isang Komento