Linggo, Agosto 21, 2011

Ang Damdamin ng Wikang Pilipino

Ano ba itong aking naririnig?
Mga tao sa aking paligid,
Pusot' isip, Ingles ang hilig.
Puot' galit, sa puso ko'y batid.

Sa ngayon ako'y parang basahan,
Basurang di napapakinabangan,
Palagi lang tinatapaktapakan,
Di pinapansin ang nararamdaman.

Sana ako'y maging bomba sa tabi,
Upang sarili ko'y  mapaghiganti.
Ako sana'y inyong ipagmalaki,
Ako'y ibukambibig palagi.

Kung dati tayo ay mga talunan, 
Bukas ay maging maunlad na bayan.
Mga kaalama'y ipamahagi,
Magtulungan! Bayan at 'yong sarili.
      This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

1 komento:

spencer singcoy ayon kay ...

^^..maganda ang pagkagawa, may matatamaang ibang pinoy..ahmmm...ang galing..sana ipagpatuloy mo lng ang paggawa ng mga tula..maraming mahahalagang mensahe sa mga pinoy..ok na to..magaling..^^