Sabado, Agosto 27, 2011

Wika

Napakahalaga ng ating wikang Pilipino sa lahat ng aspeto. Sa pakikipag-ugnayan, pagbabalita, at lalo na sa ating batas.

Kahit na ating makikita na Ingles ang paminsang ginagamit sa mga karatulang nakabadera sa paligid, atin namang intindihin ang kanilang layunin. Ito ay kanilang sinadya upang maintindihan ng lahat ang kanilang gustong at alam naman natin na hindi lang mga Pilipino ang nandito at namumuhay sa Pilipinas.

Ngunit di nila napapansin na unti-unti na pala nilang kinikitil ang pagka-Pilipino ng kanilang mga anak. Kaya ang hinihiling ko ay dapat nating gamitin ang sariling atin. Di lamang sarili nating produkto ngunit pati narin ang ating Wika. Sa ating paggamit sa sarili nating wika ay unti-unti na nating binubuhay ang ating pagka-Pilipino.

Mabuhay ang Pilipino! Buhayin ang pagka-Pilipino!

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Walang komento: